Lunod

Bata, 11, nagsalok ng tubig, nakitang dedo sa ilalim ng ilog

161 Views

Lunod1NALUNOD ang 11-anyos na Grade 6 student sa ilog sa Sitio Waray, Brgy. Plaza Aldea, Tanay, Rizal noong Agosto 20.

Kinilala ang biktima na si alyas Miguel. Ayon sa imbestigasyon ng Tanay police, nagpaalam ang biktima sa ina niya bandang alas-11:00 ng umaga na sasalok ng tubig sa ilog kasama ang kaibigang si alyas Jomar.

Bandang alas-3:10 ng hapon, napaglaman ni Jomar na may taong nakita sa ilalim ng tubig.

Nag-responde si Jomar at doon niya natagpuan ang biktima sa ilalim ng ilog at iniahon sa pampang.

Naisugod ang bata sa Tanay General Hospital ngunit idineklarang dead-on-arrival bandang alas-4:47 ng hapon ni Dr. Apple Marielle Untayo.

Pumirma ng waiver ang ama ng biktima na si Michael, 36, para huwag ng i-autopsy ang labi ng kanyang anak.