Calendar
3 suspek dinedo utility worker sa halagang P29,500, huli
JAEN, Nueva Ecija–Bumagsak sa kamay ng batas ang tatlong suspek sa pagpatay sa utility worker dito noong Agosto 20.
Napag-alaman na ipinaupa ang pagpatay sa halagang P29,500 sa parking lot ng food chain sa Brgy. Don Mariano Marcos noong Agosto 20 dakong alas-8:52 ng umaga.
Kinilala ang biktima na si alyas Mark, 35, utility worker sa food chain.
Iprinisinta ni Mayor Atty. Sylvester Austria at police head Capt. Michael Garcia ang tatlong suspect–ang driver at may-ari ng motorsiklo, ang gunman at ang babaeng miyembro ng LGBTQ+ na utak umano sa krimen.
Dalawa sa suspek ay unang nasakote at ang gunman ay sumuko sa barangay chairman sa Cabanatuan City.
Ayon kay Capt. Garcia, naresolba ang kaso dahil sa “Oplan Kuyog” na ipinatupad ng Nueva Ecija Police Provincial Office sa pangunguna ni Col. Ritchie Claravall.
Na-detect nito aniya ang nangyaring upahan sa halagang P29,500 sa pagpatay sa pamamagitan ng Gcash transactions ng mga suspects.
Binigyang diin ni Mayor Austria, na naunang nag-alok ng halagang P50,000 bilang pabuya sa anumang detalye para sa ikadarakip ng mga suspects, na hindi “fall guys” itong tatlong suspects na umamin sa krimen.
Narekober ang cal.38 na ginamit sa krimen at ang pulang Honda TMX 125 motorsiklo na sinakyan ng mga suspect.
Nabatid ng personal grudge o alitan sa trabaho sa nasabing food chain ang posibleng motibo sa krimen.
Nagbigay babala si Mayor Austria: “Walang puwang ang violence dito dito sa bayan ng Jaen tiyak na mahuhuli kayo kaagad ng kapulisan.”
Kabilang din na humarap sa press briefing kagabi sa municipyo sila Konsehal Tony Ocampo, Archie Patok Cruz, Josie Angeles, at Norman Velarde.

