Bata, 13, patay sa away

16 Views

ISANG 13-anyos na bata ang umano’y pinatay ng limang suspek sa basketball court sa Quezon City.

Batay sa imbestigasyon ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), nangyari ang insidente sa Katuparan St., Brgy. Commonwealth.

Bago ang insidente, nanonood ang biktima kasama ang kanyang mga kaibigang menor de edad ng basketball sa BYC covered court sa Kasunduan St.

Dumating ang limang kalalakihan na ang kinilala ng biktima na sumuntok sa kanya.

Itinuro ng biktima sa kanyang mga kaibigan ang sumuntok sa kanya at nilapitan na humantong sa suntukan.

Nagkaron ng rambulan hanggang sa isa sa mga suspek ang bumunot ng patalim at pinagsasaksak ang biktima.

Dito na nagpulasan ang mga menor de edad hanggang sa bumagsak at naiwan ang biktima na nagtamo ng saksak sa dibdib at iba pang bahagi ng katawan.

Dinala sa Rosario Maclang Bautista Hospital ang biktima ngunit idineklarang dead-on-arrival.