Recto Ang parangal ay iginawad nina Department of Finance Secretary Ralph Recto at BLGF Executive Director Consolacion Agcaoili kina Bataan Gov. Joet S Garcia (ikalawa sa kanan) at Provincial Treasurer Alice R Magpantay (kanan).

Bataan pinarangalan. ng DoF dahil sa husay sa paghawak ng pondo

Christian Supnad Oct 12, 2024
102 Views

NAKATANGGAP ng parangal ang Bataan mula sa Department of Finance (DoF) dahil sa mahusay na paghawak ng pondo at salapi, ayon kay Gov. Joet Garcia.

“Muli po tayong nakatanggap ng mga karangalan sa idinaos 37th Bureau of Local Government Finance (BLGF) Stakeholder’s Recognition sa Seda Hotel,” ani Gov. Garcia.

Kasamang tumanggap ng parangal mula kay DoF Secretary Ralph Recto ni Garcia si Provincial Treasurer Alice Magpantay.

“Buong lugod po nating tinanggap ang mga parangal na iginawad sa Bataan bilang Top 5 at Top 4 sa Locally Sourced Revenue (LSR) in Nominal Terms para sa mga taong 2022 at 2023.

Nakamit din po natin ang Top 1 para sa mga kaparehong taon sa Ratio of Locally Sourced Revenue to Total Current Operating Income (TCOI).”

Ang mga parangal iginawad nina Department of Finance Secretary Ralph Recto at BLGF Executive Director Consolacion Agcaoili.

“Binabati rin po natin ang Mariveles sa pangunguna ni Mayor Ace Jello Concepcion at ang Limay na kinatawan ni Municipal Treasurer Rosalinda Atienza, na kapwa tumanggap ng mga natatanging parangal,” ani Gov. Garcia.

Ipinagmalaki ng Bataan governor ang mga tinanggap na parangal at sinabing “ang mga parangal na ito kongkretong patunay sa matapat at responsableng pamamahala sa ating mga nakokolektang buwis na isang mahalagang susi tungo sa ating hangaring patuloy na makapaglaan ng mas mataas na kalidad ng serbisyo at mas mataas na antas ng pamumuhay sa bawat pamilyang Bataeno.”