Lunod

Batang lalaki, 12, nalunod sa Pampanga river

Bernard Galang Sep 6, 2025
447 Views

NALUNOD ang nawawalang 12-anyos na batang lalaki noong Biyernes sa ilog sa Brgy. Sta. Filomena, Guagua, Pampanga ng matagpuan ang bangkay nito na palutang-lutang.

Iniulat sa Pampanga police ang insidente ng pagkalunod ng lola ng bata na si Marilou Pinlac, 58.

Ayon sa lola ng bata, nawala ang apo niyang si Intsik habang naglalaro at naliligo kasama ang apat pang mga bata sa tabing ilog.

Humingi ng tulong ang lola sa mga barangay officials na nagpaalam sa Philippine Coast Guard at Special Operation Group-Pampanga sa pangunguna ni PO3 Francis Mari para magsagawa ng search and rescue operation.

Natagpuan ang bangkay ng bata sa bay area ng ilog, ayon sa report.

Sinabi ng mga awtoridad na walang mga palatandaan ng pisikal na pinsala sa katawan ng biktima at namatay dahil sa pagkalunod.