Mindoro Batangas-Mindoro match sa MPBL.

Batangas giniba ang Mindoro

Robert Andaya Jun 6, 2024
158 Views

MAS pinalakas pa ng Batangas City Tanduay Rum Masters ang kanilang kampanya sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season matapos padapain ang Mindoro Tamaraws, 82-73, sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Ang “Best Player of the Game” awardee na si Levi Hernandez ay nagsumite ng 26 points, kabilang ang anim na three-point shots, three rebounds, three assists at two steals para pamunuan ang

Batangas sa ika-siyam na panalo sa 11 laro sa round-robin phase ng 29-team tournament.

Sinuportahan siya nina Dawn Ochea, na may 12 points at three rebounds at Jeckster Apinan, na may eight points, four rebounds, three assists at three steals para sa Batangas, na lumamang pa ng 58-44 sa third quarter.

Apat na players ng Mindoro, sa pangunguna ni John Jerrick Caspe, ang umiskor ng double digits sa kanilang losing effort.

Si Caspe ay may 19 points, four rebounds at two assists, kasunod si John Derrick Lopez, na may 11 points at seven rebounds, Jordan Rios, na may 11 points, four rebounds at two assists, at Lester Reyes, na may 10 points,11 rebounds, two assists at two blocks.

Sa kabila nito, bumagsak ang Mindoro sa 4-7 sa team standings.

Ang MPBL, na itinuturing na “Liga ng Bawat Pilipino”, ay itinatatag ni Sen. Manny Pacquiao nung 2018 sa tulong ni Commissioner Kenneth Duremdes.

The scores:

Batangas (82) — Hernandez 26, Ochea 12, Apinan 8, Ablaza 7, Cruz 6, Ramirez 5, Dela Virgen 5, Baloria 5, Porter 4, Arim 2, Ambulodto 2, Isit 0, Oliva 0, Lunor 0, Alarcon 0.

Mindoro (73) — Caspe 19, Lopez 11, Rios 11, Reyes 10, Ariar 7, Vaygan 6, Estrella 4, Teodoro 3, Olivares 2, Aquino 0, Desiderio 0, Huerto 0, Bono 0, Pableo 0, Pena 0.

Quarterscores: 20-21, 33-36, 64-55, 82-73.