Batangas

Batangas ipinagpatuloy Pamaskong Handog, P12.5M ipinamahagi

79 Views

IPINAGPATULOY ngayong linggo ang pamamahagi ng Pamaskong Handog para sa mga boluntaryong naglilingkod sa lalawigan ika-3 ng Disyembre 2024, sa RRM Memorial DREAM Zone, Capitol Site, Batangas City.

Nasa 5,060 na mga senior citizens, persons with disability, child development workers, parent leaders, barangay health workers, barangay nutrition scholars, at mga barangay tanod mula sa 4th District ng Lalawigan ng Batangas ang nakatanggap ng may kabuuang halagang mahigit ₱12.5 milyon.

Pinangunahan ang aktibidad nina Governor DoDo Mandanas, Atty. Angelica Chua-Mandanas, Sangguniang Panlalawigan 4th District Board Members (BM) Jess De Veyra at Atty. JP Gozos at Philippine Councilors League (PCL) – Batangas Federation President, BM Melvin Vidal.

Pinangasiwaan ang pagtitipon ng Provincial Social Welfare and Development Office, Provincial Health Office, Provincial Public Order and Safety Department, Provincial Assistance for Community, Public Employment, Youth and Sports Development Office at Provincial Treasurer’s Office.