Calendar

Batangas muling itinanghal Las Flores A Maria La Batanguena
BATANGAS CITY–Muling itinanghal sa siyudad na ito ang “Las Flores A Maria La Batangueña” bilang pagkilala sa Mahal na Birheng Maria sa buhay ni Kristo.
Stage musical performance ang pagtatanghal na isang paraan upang mapriserba ang tradisyon ng Flores de Mayo.
Nagdaos ng prusisyon ang mga karakter at ipinakita kung paano nagsimula ang naturang tradisyon noong panahon ng Kastila pati na ang mga bagay na may koneksyon sa pasyon at kamatayan ni Hesus.
Tampok sa okasyon ang mga tao at bagay na hango sa Bibliya at kasaysayan gayundin ang mga titulong hango kay Maria.
Inanyayahan bilang Reyna Delas Flores ang Ms Catwalk Philippines 2018 na si Eloisa Jauod.
Binigyang pugay ang Birhen ng Inmaculada Concepcion sa pamamagitan ng mga awitin mula kina Coniele Pasaol, Denise Dalupo at Himig Tinig chorale.
Kabilang sa mga guest performers sina Mienely Correa, Mariane Baler, Bayanihan Alumni Musicians at UP Diliman College of Music.
Pinangunahan nina Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Marino ang pag-aalay ng bulaklak sa Mahal na Birhen at sinabing ang Flores De Mayo patunay ng masaya at malalim na debosyon ng mga Batangueno sa Mahal na Birheng Maria.
Dumalo din ang mga miyembro ng Team EBD at mga department heads ng lokal na pamahalaan.
Nagpasalamat ang mga dumalo sa proteksyon at patuloy na pag-aadya sa lungsod sa mga sakuna ng Mahal na Ina.