Bat Iniharap ni PLt. Col. Roberto Mupas (kaliwa) ang suspek na may kasong frustrated murder.

Bayaw hinataw ng bat sa ulo, naghataw timbog

Jon-jon Reyes Mar 31, 2025
31 Views

ARESTADO ang 35-anyos na lalaki dahil sa kasong frustrated murder matapos paluin ng baseball bat sa ulo ang kanyang bayaw sa Lavezares St. corner Penarubia St., Binondo, Manila noong Linggo.

Nakilala ang suspek na si alyas Jovy, 35.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Roberto Mupaz, hepe ng MPD Binondo Station 11, bandang alas 2:15 ng hapon naispatan ang suspek.

Dahil dito, inaresto ang suspek bitbit ang arrest warrant na inisyu ni Judge Thelma Bunyi Medina, Presiding Judge ng RTC Branch 32 ng Manila.

Nag-ugat ang pamamalo ng akusado sa mainitang pakikipagtalo ng suspek sa kanyang bayaw