Produkto Inihayag ni NBI Director Jaime Santiago ang operation ng mga ahente ng NBI-LAGDO at NBI-RIZDO na nauwi sa pagkakaaresto sa isang babae dahil sa pagbebenta ng mga expired food products.

BeboPasong produkto nasamsam sa bebot sa Taytay

Jon-jon Reyes Oct 17, 2025
224 Views

ARESTADO ang babae ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI)-Laguna District Office (NBI-LAGDO) at ng NBI-Rizal District Office (NBI-RIZDO) dahil sa pagbebenta ng mga pasong food products sa Brgy. Dolores, Taytay, Rizal.

Nakilala ang suspek na si alyas April at nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 7394 (Consumer Act of the Philippines).

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, inaresto ang suspek dahil sa reklamo ng kinatawan ng Universal Robina Corporation (URC) hinggil sa mga expired/adulterated URC food products na ibinebenta sa isang tindahan sa Taytay, Rizal.

Nagpatupad ng search warrant sa isang warehouse na matatagpuan sa Brgy. Dolores, Taytay, Rizal at ikinasa ang entrapment sa Aiden Louise Store na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek

Sinamsam ang dalawang trak na kargado ng mga expired/adulterated na produkto ng URC, ayon sa report.

Iniharap na sa inquest proceedings sa Office of the Provincial Prosecutor of Rizal noong Oktubre 10.

Pinuri ni Director Santiago ang magkasanib na mga operatiba ng LAGDO at RIZDO sa mabilis na pagkilos laban sa suspek.