Suspek Arestado ng mga pulis ang babaeng may kasong falsification of public document sa Ninoy Aquino International Airport.

Bebot arestado ng MPD-11 sa pamemeke ng dokumento

Jon-jon Reyes Jun 13, 2025
23 Views

HULI ang babae ng mga operatiba ng Manila Police District-Meisic Police Station 11 dahil sa kasong falsification of public document sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)-Terminal 3 sa Pasay City noong Miyerkoles.

Nakilala ang suspek na si alyas Jennifer.

Batay sa ulat ng Intelligence Warrant Section na pinangangasiwaan ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, station commander, bandang alas-4:03 ng hapon nahuli ang babae habang papalabas ng Terminal 3.

Hinuli siya sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Judge Donato De Castro, Presiding Judge, dahil sa nasabing kaso