Bebot

Bebot na wanted sa talbog na tseke arestado sa NAIA

27 Views

ARESTADO ang isang babaeng pasahero patungong Vietnam ng PNP avsegroup sa NAIA terminal 3.

Agad na inaresto ng mga tauhan ng PNP Aviation Security Group at Villamor Sub-Station 9 ng Pasay City Police Station ang Isang babaeng pasahero sa Ninoy Aquino international airport NAIA terminal 3.

Ayon sa report ng Avsegroup, papaalis ang pasahero patungong Vietnam kung saan pinoproseso ng immigration sa international departure ang kanyang dokumento bago siya inaresto ng mga awtoridad.

Nabatid na ang babaeng pasahero ay dating wanted dahil sa kasong Batas Pambansa o Anti-Bouncing Check Law.

Ang pag aresto sa suspect ay dahil sa warrant of arest na inisyu ni Presiding judge John Benedict D Medina, ng Metropolitan Trial Court, Branch 96, sa Mandaluyong City.

Sa kasalukuyang ay nasa kustodiya na ng Villamor Sub-Station 9, Pasay CPS para sa dokumentasyon at karagdagang legal proceedings. NI JOSEPH MUEGO