Just In

Calendar

January 2025
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
BFAR

BFAR: Shellfish, alamang sa Visayas, Mindanao ‘wag kainin

Cory Martinez Dec 20, 2024
27 Views

IPINAGBABAWAL ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang panghuhuli ng lahat ng shellfish at alamang sa ilang karagatan sa Mindanao at Visayas dahil sa red tide.

Base sa Shellfish Bulletin No. 32 ng BFAR bukod sa paghuli, ipinagbabawal din ang pagbebenta at pagkain ng mga naturang laman dagat dahil positibo sa paralytic shellfish poison (PSP) o toxic red tide kung mula sa Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; coastal waters ng Daram Island, Zumarraga Island at Irong-Irong Bay sa Samar; Matarinao Bay sa Eastern Samar; coastal waters ng Tungawan sa Zamboanga Sibugay; at coastal waters sa Biliran Islands sa Biliran at sa Leyte.

Sinabi pa ng BFAR na hindi ligtas kainin ang lahat ng uri ng shellfish at Acetes sp. o alamang na nahuhuli sa mga naturang karagatan.

Subalit sinabi naman ng ahensya na ligtas pa rin kainin ang mga isda, pusit, hipon at alimango na mahuhuli sa mga naturang karagatan kapag sariwa at hinugasang mabuti at aalisin ang mga hasang at bituka bago iluto.

Wala namang naiuulat na red tide sa mga coastal waters ng Cavite, Las Pinas, Paranaque, Navotas, Bulacan at Bataan sa Manila Bay.