Hot News

BI kinumpirma nasa labas ng bansa si Lord Allan Velaso

Jun I Legaspi Sep 29, 2026
91 Views

VelascoKINUMPIRMA ng Bureau of Immigration (BI) na si dating House Speaker Lord Allan Velasco ay kasalukuyang nasa labas ng bansa.

Batay sa tala ng Bureau, walang umiiral na Hold Departure Order (HDO) o derogatory alert na makapipigil sa kanyang pag-alis mula sa Pilipinas.

Ipinaalala ng BI na hindi maaaring ibunyag ang karagdagang detalye kaugnay sa rekord ng imigrasyon ng isang indibidwal dahil sa mga alituntunin sa data privacy.

Nanindigan ang Bureau na patuloy nitong ipatutupad nang pare-pareho ang mga batas at polisiya sa imigrasyon habang tinitiyak ang wastong proteksyon at pagiging kumpidensyal ng personal na impormasyon.