Just In

Calendar

January 2025
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
POGO Source: BI

BI sa mga dayuhang POGO workers: Sumunod sa deadline ng pag-alis sa PH

Jun I Legaspi Dec 2, 2024
60 Views

PINAALALAHANAN ng Bureau of Immigration (BI) ang mga dayuhang manggagawa sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) na sumunod sa itinakdang deadline sa pag-alis sa Pilipinas bago matapos ang 2024.

Binigyang-diin ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang kahalagahan ng pagsunod kaugnay sa pagtigil ng operasyon ng POGO.

Sinabi ng BI na layunin nitong magkaroon ng maayos at sistematikong proseso para sa mga apektadong dayuhang manggagawa.

Pinapayuhan ang mga apektado na ihanda ang lahat ng kinakailangang pag-aayos ng kanilang biyahe sa lalong madaling panahon.

Ayon kay Viado, noong ika-7 ng Nobyembre, umaabot sa 21,757 na dayuhan na konektado sa POGO ang boluntaryong nag-convert ng work visa sa temporary visitor visa.

Sa mga aprubadong aplikasyon ng downgrade, 10,821 na dayuhan ang nakalabas na ng bansa.

Noong Oktubre, naglabas ang BI ng mga kautusan ng kanselasyon para sa 12,106 na dayuhan na hindi pa nag-downgrade ng kanilang mga visa.

Ang kautusan nag-aatas sa mga hindi boluntaryong nag-downgrade ng kanilang visa at hindi pa umaalis ng bansa na gawin ito bago matapos ang taon.

Nagbabala si Viado na ang mga hindi makakaalis bago ang deadline sasailalim sa deportation proceedings at ilalagay sa blacklist.

Inaasahan ng BI na aabot sa 20,000 pang dayuhang POGO worker ang aalis sa susunod na mga linggo.