Calendar

BI suportado kampanya vs POGOs
SUPORTADO ng Bureau of Immigration (BI) ang kampanya ng gobyerno laban sa mga iligal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) kasunod ng operasyon ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa Parañaque.
Nagresulta sa pag-aresto sa 453 indibidwal, kabilang na ang 146 na dayuhan at karamihan mga Tsino, ang raid noong Pebrero 20.
Naghahanda na ang BI sa paglilipat ng ligal na kustodiya upang simulan ang mga proseso ng deportasyon.
Kasabay nito, nangako si BI Commissioner Joel Anthony Viado na mas marami pang pag-aresto at deportasyon ang mangyayati na pagsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na ipagbawal ang mga operasyon ng POGO sa Pilipinas.
“We are closely coordinating with our partner agencies to maximize our efforts in identifying and apprehending illegal foreign nationals involved in these illicit activities,” sabi ni Viado.
Binigyang-diin pa niya na ang BI tutugon sa tungkulin nitong pangalagaan ang pambansang seguridad sa pamamagitan ng pagtitiyak na ang mga dayuhan sumusunod sa mga batas ng imigrasyon ng Pilipinas.