Bam

Bicam inaprubahan ang unified basic education voucher program bill

63 Views

INAPRUBAHAN na ng bicameral conference committee ang reconciled version ng panukalang naglalayong gawing batas ang unified private education voucher system para sa basic education students.

Si Sen. Paolo Benigno “Bam” Aquino IV, chairman ng Senate panel, ang nanguna sa bicameral meeting na nagkasundo sa magkaibang probisyon ng Senate Bill No. 1981, o Basic Education Voucher Program Act, at House Bill No. 4744, o Private Basic Education Vouchers Assistance Act.

Layunin ng panukala na mabigyan ng mas malawak na access sa private basic education ang mas maraming mag-aaral, lalo na ang mula sa vulnerable sectors, sa pamamagitan ng tulong mula sa pamahalaan.

Layunin din nitong makatulong sa pagtugon sa pagsisikip ng mga silid-aralan sa public schools sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkakataon sa eligible students na makapag-aral sa participating private schools.

Sa ilalim ng panukala, magbibigay ang pamahalaan ng vouchers sa qualified learners na maaaring gamitin para sa tuition at iba pang school fees sa accredited private basic education institutions.

Layunin ng proposed voucher program na palawakin ang access sa quality education habang itinataguyod ang mas maayos na paggamit ng public resources sa education sector.

Pinagkasundo ng bicameral conference committee ang mga bersyon na ipinasa ng Senado at House of Representatives bago ihanda ang final version para sa ratification ng dalawang kapulungan.

Kapag niratipikahan ng Senado at Kamara, ipapadala ang panukala sa Malacañang para sa lagda ng Pangulo.