Big-time rollback sa presyo ng LPG sa Hunyo

Edd Reyes Jun 1, 2022
207 Views

MAGPAPATUPAD ang Petron Corp. ng malakihang bawas-presyo sa liquefied petroleum gas (LPG) simula sa Miyerkoles.

Sa inilabas na advisory ng Petron, aabot sa P5.90 kada kilo ang ibababa sa presyo ng LPG simula alas-12:01 ng umaga sa Hunyo 1.

Nagkakahalaga ito ng P64.90 pagbaba sa presyo sa bawal 11-kilong tangke.

Inanunsyo rin ng Petrol na bababa ng P3.30 kada litro ang presyo ng AutoLPG nito.

Ang pagbaba sa presyo ay batay umano sa naging galaw ng international contract price.