Guballa

BIR bigong maabot target na koleksyon sa 1st Q ng 2022

180 Views

NABIGO ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na maabot ang target na koleksyon nito sa unang tatlong buwan ng 2022.

Ayon sa Department of Finance (DOF), nakakolekta ang BIR ng P485.4 bilyon, mas mababa ng 8.9% sa target nitong P532.6 bilyon.

Pero mas mataas umano ito ng P32.4 bilyon o 7.2% kung ikukumpara sa P452.9 bilyon na nakolekta ng BIR sa unang quarter ng 2021.

Ayon kay BIR Deputy Commissioner Arnel Guballa maraming kompanya ang gumamit ng kanilang input VAT credit sa kanilang mga ginastos na pinapayagan sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.