Bautista

Bikers sa Marikina ligtas sa cycling facility na itatayo

Jun I Legaspi Aug 29, 2024
112 Views

LIGTAS na ang mga bikers sa Marikina dahil sa groundbreaking ng expansion ng active transport infrastructure na pinasimulan ng Department of Transportation (DOTr) at Marikina noong Agosto 29.

Matagumpay ding binuksan ang dalawang stand-alone end-of-trip cycling facilities na matatagpuan sa Marikina Engineering office compound at Marikina GAD building na libre para sa mga siklista.

Ibinahagi ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang kanyang mga karanasan bilang isang siklista at ang kanyang pagmamahal sa pagba-bike kung saan binanggit niya na isa ang active transport sa kanyang mga adbokasiya na isinusulong bago pa man siya maging bahagi ng gobyerno.

“Napakaganda talaga ang idinudulot ng pagbibisikleta, hindi lamang as a way of transport, it’s one way of making us healthy.

Sana kapag natapos ito gamitin natin ng maayos. Napakagandang lugar ang iniikutan ng ating mga bike lanes at sana mahalin natin ang mga bike lanes na ito, protektahan natin.

Hiling ko lang sa ating mga bikers ay let’s encourage more people to join and enjoy biking,” ani Sec. Bautista.

Lubos ang pasasalamat ni Marikina City Mayor Marcelino Teodoro sa proyekto at binigyang-diin n’ya ang benepisyo nitong interconnectivity at mas kumbinyenteng mga pasilidad para sa mga siklista.