Just In

Calendar

December 2024
M T W T F S S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  
BBM1 Makikitang namimigay ng maagang pamasko si. Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Biktima ng sex abuse sa Munti may maagang pamasko mula kay PBBM

Chona Yu Dec 2, 2024
22 Views

BBM2MAY maagang pamasko si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga biktima ng sexual abuse at sa mga nasa residential caring institutions sa Muntinlupa City.

Bitbit ang mga regalo, unang binisita ng Pangulo ang Marillac Hills- National Training School for Girls na siyang nagbibigay ng pangangalaga at rehabilitasyon sa mga menor de edad na kababaihan na biktima ng sexual abuse at human trafficking.

Binisita rin ni Pangulong Marcos ang residential care centers na nasa ilalim ng pangangalaga ng Manila Department of Social Welfare (MDSW), kabilang dito ang Founding Home, Girls Home, Boys Home, Luwalhati ng Maynila sa ilalim ng Manila Boystown Complex (MBTC) at Manila Youth Reception and Action Center and RAC-KAMADA.

Sa pagbisita ni Pangulong Marcos sa Manila Boystown, iginiit ng Pangulo ang commitment ng gobyerno sa pagtulong sa mga nangangailangan Filipino hanggang maka-recover.

Hangad din aniya niya ngayong Pasko sa bawat Filipino na maging masagana at maligaya lalo na ang mga naging biktima ng kalamidad.

Namahagi ang Pangulo ng 20 sako ng 50 kilo ng bigas sa Marillac Hills at 10 sako para sa Haven for Women.

Maliban dito, namigay din si Pangulong Marcos ng food packs, medicines, vitamins, toiletries at mga supplies para sa mga sanggol.

“Kahit na tinamaan tayo ng kung anu-anong bagyo, kahit na nasunugan ang mga iba’t ibang lugar, kahit papaano tiyakin natin [na] tayong lahat, lahat ng Pilipino, lalo na itong mga maliliit, itong mga bata, ay makaramdam ng Pasko,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Basta kami sa pamahalaan titiyakin namin lahat ng Filipino ay may merry Christmas ngayong 2024,” dagdag ng Pangulo.

Nagpasalamat naman ang mga residente kay Pangulong Marcos.

In return, the residents performed a heartfelt “Thank you” song to express their admiration and gratitude for the President’s compassion and leadership.