Just In

Calendar

March 2025
M T W T F S S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  
Isko

Bilang na araw n’yo–Isko sa mga tolongges

Edd Reyes Mar 2, 2025
14 Views

SA mga tolongges o yung mga taong gumagawa ng mga kabuktutan sa Maynila, bilang na ang araw ninyo.”

Ito ang banta ni dating Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na nangakong ibabalik niya ang maayos na pamamahala para matiyak ang katahmikan at kaayusan sa mga lansangan, umaga man o gabi.

“Ikinakabahala ngayon ng mga taga-Maynila ang mga nangyayari sa Taft Avenue, R-10 at sa iba’t-ibang sulok ng Maynila. Ang nagbabalikan na mga tolongges,” payahag ni Domagoso.

“Pananagutin natin sila sa batas, ‘yan ang mga pine-present natin noon every week,” sabi pa ng dating alkalde.

Binanggit ng dating alkalde ang ginagawa niyang pagtugis sa mga kriminal na nagtago sa labas ng Maynila, kahit pa sa malayo at liblib na lalawigan.

Tiniyak ni Domagoso sa mga residente ng Maynila na puyat ang ikamamatay ng mga kriminal sa kanyang pagbabalik.

“Talagang hindi natin patutulugin ng mahimbing ang mga yan.

‘Yung mamamayan ng Maynila, matutulog ka sa hatinggabi, alam mo may gobyerno pa sa kalsada, alam mo na may pamahalaan pa na nagtatrabaho para sa inyo. ‘Yon lahat, this kind of peace of mind na may gobyerno.”