Tondo Tinitingnan ng isang imbestigador ang mga labi ng biktima. JONJON C. REYES

Binata tumakas sa humahabol, tumalon sa ilog, dedbol

Jon-jon Reyes May 6, 2026
19 Views

HINDI na umabot ng buhay ang isang 57-anyos na lalaki matapos itong tumalon sa ilog kahabaan ng Bukod Street Brgy.135 Tondo, Maynila, Miyerkules ng umaga.

Nakilala ang biktima na si alyas Louiesito, binata at nakatira sa 146 San Pedro Street, Brgy. 142, Balut,Tondo.

Ayon sa report ng pulisya, bandang 6:35 a.m. nang mangyari ang insidente.

Isang lady guard ng Tondo Medical Center ang tumawag sa mga otoridad upang ireport ang insidente.

Ayon sa testigo, nakita niyang hinahabol ng dalawang lalaki ang biktima sa nasabing lugar. Biglang umanong tumalon ang lalaki mula sa tuloy diretso sa ilog.

Kasunod nito, nailigtas pa ang biktima ni Bgy Tanod Jerry Mariano ng Brgy. 135 at dinala sa Tondo Medical Center para sa agarang medikal na atensyon.

Idineklarang dead on arrival ang biktima ni Dr. Lorraine Ann Bagsit.