Calendar
Binatang may kaso nagtangkang lumabas ng bansa, tiklo
INARESTO ng kapulisan ang 35-anyos na binata na may nakabimbing kaso sa hukuman, 10 taon na ang nakararaan, matapos magtangkang lumabas ng bansa Lunes ng gabi sa NAIA Terminal 1 sa Pasay City.
Pinangunahan ng mga tauhan ni PNP Aviation Security Group (AVSEGROUP) Director P/BGen. Dionisio Bartolome, Jr. ang pagsisilbi ng warrant of arrest sa akusadong residente ng Las Piñas City bago pa man siya makalabas ng bansa patungong Muscat, Oman.
Kasama ng AVSEGROUP ang mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), NCR Field Unit – Special Mission and Major District Field Unit (NCRFU-SMMDFU) nang isilbi ang warrant of arrest laban sa akusado na inilabas noong Hulyo 11, 2026 ng Presiding Judge ng Las Piñas City Regional Trial Court (RTC) Branch 254 para sa kasong paglabag sa R.A. 9262, o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.
Nagrekomenda naman ang hukuman ng piyansang P12,000.00 sa akusado, na nakapiit na sa custodial facility ng CIDG NCRFU-SMMDFU, para sa kanyang pansamantalang paglaya.
“Our airports remain secure and closely monitored. Through strong coordination with our partner law enforcement units, we will continue to ensure that individuals facing criminal charges are properly apprehended and made to answer before the law,” pahayag ni BGen. Bartolome.

