Calendar
Kasabay ng mga deboto ang mga kapulisan sa pamumuno ni Police Capt. Dennis Turla, hepe ng Plaza Miranda PCP-MPD Station 3, na nagpalagay ng abo sa noo nitong Ash Wednesday sa Quiapo Church. JONJON C. REYES
MPD todo bantay sa mga deboto sa Quiapo Church ngayong Ash Wednesday
UMABOT hangang labas ng simbahan ng Quiapo ang pumilang mga debotong Katoliko para magpalagay ng abo sa noo nitong Ash Wednesday.
Todo bantay naman ang mga kapulisan sa pamumuno ni Police Capt. Dennis Turla, hepe ng Plaza Miranda PCP-MPD Station 3, sa paligid ng Quiapo Church upang masiguro ang kaligtasan ng mga deboto.
“Mas pinaigting po namin ang aming anti-criminality campaign, kabilang dito ang pagsasagawa ng checkpoint, Oplan Sita, Bakal at Oplan Galugad, kasabay ng clearing operation laban sa mga illegal vendors alinsunod sa kautusan ni Yorme Isko Moreno,” ani Police Capt. Turla.
“Maging sa kahabaan ng Carredo St, Rizal Avenue, at Quezon Blvd Quiapo Manila ay patuloy ang aming pagbabantay sa aming nasasakupang lugar. Kahit na ordinaryon araw, kami ay nagsasagawa ng patrolling and checkpoint operations sa mga nabanggit na lugar sa Sta Cruz, Manila upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan at katahimikan sa lungsod,” dagdag ni Police Capt. Turla.

