Calendar
Binatilyo nangalakal, lumusong sa Tullahan River, nakitang bangkay
BANGKAY na ng matagpuan ang 17-anyos na binatilyo matapos lumusong sa Tullahan River sa Bgy. Sta. Lucia, Novaliches, Quezon City, nitong Huwebes ng umaga.
Sa ulat, umaga nitong Huwebes, nakitang nangangalakal ang binatilyo at ang kaibigan nitong lalaki sa Tullahan River sa Brgy. Sta. Lucia, Novaliches sa lungsod.
Ayon kay Darwin Herrera Del Mundo, Deputy Executive Officer ng barangay, lumusong sa tubig ang binatilyo sa pag-aakalang mababaw lamang ang ilog.
Sinabi naman ng kasama ng biktima na nakita na lamang niyang nagkakawag at humihingi ng saklolo ang binatilyo kaya agad niyang inireport sa mga awtoridad.
Agad nagresponde ang mga opisyal ng barangay at mga operatiba ng Novaliches Police Station 4 ng Quezon City Police District (QCPD) subalit nang maiahon ang biktima alas 12:40 ng hapon ay wala na itong buhay.

