BINI

BINI humihingi ng personal space, privacy

Vinia Vivar Jul 6, 2024
136 Views

Nabahala na ang Star Magic sa behavior ng ibang fans ng BINI kaya naman nagbigay na sila ng babala sa publiko para protektahan ang kanilang talents.

Sa pamamagitan ng isang video ay in-address ng Star Magic head na si Direk Laurenti Dyogi ang recent incidents sa dalawang miyembro ng BINI na sina Maloi and Aiah.

“I was able to see some very disturbing videos. Some of our members who didn’t seem to enjoy their break from the very stressful 3-night concert,” sey ni Direk Lauren.

“They went to a public place because they wanted to unwind and spend some time with their families. But unfortunately, naka-experience po sila ng hindi magaganda,” dagdag ng Star Magic boss.

Si BINI Maloi daw ay hindi na-enjoy ang dinner with her family dahil sa rami ng fans na nagpa-picture habang kumakain sila.

“For Maloi, she went to a place where she was supposed to have dinner with her family pero hindi na niya po na-enjoy ‘yung dinner na ‘yun dahil po nagkaroon ng…

“People were so excited to see her so they asked for pictures and really disrupting the dinner that was supposed to be spent with the family,” pagbabahagi ni Direk Lauren.

Si BINI Aiah naman daw ay nagpunta ng Cebu at nagkaroon din ng hindi magandang experience sa isang male fan.

“Aiah also had a not-so-nice experience in Cebu where may isang lalaki, may isang fan who got so excited, nilapitan siya in a way that’s very improper,” kwento ni Direk Lauren.

Nakiusap ang ABS-CBN executive sa Blooms (BINI’s fandom) at sa lahat ng supporters ng nasabing Pinoy pop group na irespeto naman sana ang privacy ng kanilang artists.

“Nakikiusap po ako personally as part of the BINI team, na sana po, ‘pag ang ating mga miyembro ay nasa kanilang… spending their personal time especially with their families and friends to please also show respect to their privacy and personal space.

“Tao rin po sila, kailangan din po nilang makisalamuha sa ibang tao,” pahayag ni Direk Lauren.

“Nakikiusap po ako dahil po… especially for Aiah that experience was really disturbing. So, this is really a violation of the safe space act for women,” aniya.

Narito ang nakasaad sa official advisory na inilabas ng Star Magic: “Nais naming paalalahanan ang lahat na anumang aksyon sa isang babae sa pampublikong lugar na hindi niya nais, walang pahintulot, at nagbabanta sa kanyang personal space ay maaaring ituring na gender-based street at public space sexual harassment.

“Dahil dito, hinihikayat namin ang lahat na igalang ang personal space at privacy ng aming mga talent lalo na sa kanilang oras ng pahinga.

“Asahan ninyo na kami ay gagawa ng nararapat na hakbang upang protektahan ang aming mga artista.”