Guess

Inuman ng actor, aktres nauwi sa tikiman

Jun Nardo Jul 6, 2024
46 Views

NAGKAYAYAAN na mag-inuman ang sexy hunk actor at sexy female star na nagkasama na sa isang sexy movie.

Sa bahay ng aktor sila nag-inuman. Matapos ang inuman, nauwi sa tikiman kaya halos mag-uumaga na sila nakatulog.

Eh, biglang naalimpungatan ang aktor. May lakad pa siya nang maaga at nagmamadaling iniwan ang sexy star na tulog pa sa kuwarto niya.

Nang magising ang kasambahay ang aktor, nagluto at dumiretso sa kuwarto ng amo para gisingin at kumain ng agahan.

Pagbukas ng kasamabahay sa room, nabulaga siya sa nakitang babae na hubo’t hubad! Sinubukan niya ito gisingin pero hindi nagising ang sexy star.

Tinawag ng kasambahay ang isa pang kasambahay na lalaki naman. Gulat din ang lalaking kasambahay dahil sa nakitang hubad na sext star.

Todo-ngiti ang lalaking kasambahay dahil nakita niya nang hubo’t hubad ang sexy star na napapapanood lang niya.

Hinintay na lang nilang magising ang sexy star hanggang sa makaalis ito ng bahay ng aktor.

Ara Mina non-stop ang rehearsal

NON-STOP ang band rehearsal ni Ara Mina para sa kanyang July 11 concert sa Newport Performing Arts Theater sa Newport World Resorts sa Pasay City.

“Gusto kong ibigay ang lahat dahil milestone ito. Thankful ako kaya gusto ko maganda ‘yung show,” saad ni Ara sa mediacon ng concert.

Isa sa mga love ni Ara ang pagkanta bago napasabak sa pag-arte. May hit songs na rin siyang nagawa na bibigyan niya ng bagong areglo.

Special guests niya ang kapatid na si Cristine Reyes, Brod Pete, Ogie Alcasid at Martin Nievera.