DepED

Blended learning gagawing permanente ng DepEd

Arlene Rivera Jul 11, 2023
256 Views

ITINUTULAK ng Department of Education (DepEd) na maging permanente ang blended learning.

Ayon kay DepEd Undersecretary Michael Poa isasabay ang paggamit ng blended learning sa pagtatayo ng mga paaralan at pagdaragdag ng mga guro upang matugunan ang mga hamon na kinakaharap ng tradisyonal na pag-aaral.

“That’s why we also presented that we are now going on a two-track approach wherein, alongside the traditional solutions of building more classrooms and hiring more teachers, we also want to tap into technology, (one of the) lessons we learned during the pandemic,” ani DepEd Undersecretary Michael Poa sa press briefing sa Malacañang.

Ang blended learning o ang paggamit ng online, modular at limitadong pagpasok sa paaralan ng mga estudyante.

“Kasi noong pandemya, na-realize natin na puwede pala iyong blended learning, puwede pala iyong online classes. So, we want to use that to be able to decongest our schools. This will effectively and efficiently resolve iyong issues…as to teachers’ shortage and classroom shortage in a quicker span of time,” sabi ni Poa.

Gagawa umano ang DepEd ng mga hakbang upang matiyak na magiging epektibo at mataas ang kalidad ng pag-aaral sa ilalim ng blended learning.