Calendar

BOC kayang abutin revenue collection target
MASAYANG araw sa ating mga tagasubaybay, lalo na sa mga kababayan natin sa Japan, Oman, Saudi Arabia, at ibang panig ng mundo.
Binabati natin sina: Ma. Theresa Yasuki, Mama Aki ng Ihawan, La Dy Pinky, Endo Yumi, Glenn Raganas, Patricia Coronel, Roana San Jose, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Josie Gelo, Hiroki Hayashi, at kay Hiroshi Katsumata na patuloy na naka-agapay sa mga kababayan nating Filipino sa Japan.
Binabati rin natin si Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman; Dolores Monfero, Delia Sunga ng Saudi Arabia.
Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.
God Bless!
(Para sa inyong komento at pagbati, mag-text sa +63 9178624484/email:philipreyes08@yahoo.com. Ilagay lang ang buonh pangalan at tirahan.)
***
Patuloy ang pagpasok ng mga ipinagbabawal na gamot sa bansa.
Ang maganda lang ay nahuhuli ang mga ito bago mailabas sa mga ports of entry.
Kamakailan nga ay nadiskubre ng mga otoridad ang isang shipment na naglalaman ng shabu sa Central Mail Exchange Center (CMEX) sa Pasay City.
Ang shabu ay tumitimbang ng 9,885 grams at nagkakahalaga ng P6.7 million.
Ang claimant ng shipment ay naka-turnover na sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) for criminal prosecution for violation of RA No 9165 at RA No.10863.
Pagkatapos ng seizure ng kontrabando ay sinabi ni Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio na committed ang BOC “to safeguard the nation’s border protection.”
Sinabi pa ni Rubio na determinado ang ahensya “to protect the people against the danger posed by illegal drugs.”
“This latest interdiction underscores the administration’s ongoing efforts to combat drug trafficking,” dagdag pa ni Rubio.
Ang anti-drug operation ay isinagawa ng BOC-Ninoy Aquino International Airport, na pinamumunuan ni District Collector Yasmin O. Mapa, PDEA, at NAIA-Inter-Agency Drug Interdiction Task Group.
***
Mabuti naman at hindi nakaka-apekto sa trabaho ng mga taga-Bureau of Customs (BOC) ang mga nangyayari sa bansa.
Tama lang ito dahil iba naman ang trabaho ng ahensya.
Naka-focus lang sila sa revenue generation efforts at paglaban sa ismagling, korapsyon at katiwalian sa aduana.
Concerned din sila sa political developments sa bansa pero hanggang doon lang sila.
Ayaw nilang makisawsaw sa mga bagay na may kinalaman sa politika.
Ang mahalaga sa kanila ay ma-meet ng BOC ang assigned tax take sa taong ito.
Ang P1 trilyung revenue collection target sa 2025 ay hindi madali sa harap ng maraming problema sa mundo.
Pero naniniwala ang mga men and women in customs uniform na kaya nilang abutin ang nasabing target.
Ang kailangan lang ay kooperasyon ng rank and file employees.
Tama ba kami, Finance Secretary Ralph Recto at Commissioner Rubio?
***
Sana naman ay walang malalakas na bagyo ang dumaan sa bansa.
Mahirap kasi ang malalakas na bagyo ang may dala-dalang malalakas pag-ulan.
Ito ang nagpapalubog sa mga mabababang komunidad sa ibat-ibang parte ng bansa.
Ang mga baradong daluyan ng tubig ang sanhi ng mabilis na pag-apaw ng mga ilog, sapa at drainage canals.
Kaya madalas ay walang klase at walang pasok sa mga pribado at pampublikong opisina.
Kawawa ang mga mag-aaral at mga empleyadong arawan na “no work, no pay.”