Utang ng bansa inaasahang lolobo pa sa 2027
Oct 27, 2026
Calendar
Ang narekober na ilegal na droga ng mga operatiba ng MPD matapos maaresto ang isang binatilyo sa Tondo, Manila. Kuha ni JONJON C. REYES
Metro
P340K na shabu nakuha sa binatilyo
Jon-jon Reyes
Jun 12, 2025
475
Views
ARESTADO ang isang binatilyo sa buy-bust ng mga tauhan ng Manila Police District-Station Drug Enforcement Unit (MPD-SDEU) sa Tondo, Manila noong Huwebes.
Ayon sa ulat ni Police Staff Sergeant Ralph Poblete, team lider, kay Police Major Manuel Calleja, hepe ng SDEU, bandang alas-12:30 ng hatinggabi natiklo ang suspek sa si alyas Boboy ng ikasa ang bentahan ng droga sa lugar ng binatilyo.
Nahuli ang suspek sa bentahan ng shabu sa panulukan ng New Antipolo af Solis Sts. sa Tondo sa pamamagitan ng buy-bust money na P1,000 na ipinain ng isa sa poseur-buyers.
Nakasamsam ng 50 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P340,000 galing sa suspek.
Nahaharap ang binatilyo sa kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Republic Act 9165.
8-anyos nagpaalam mag-computer, umuwing bangkay
Oct 27, 2026
Pekeng pulis nireklamo ng negosyante, nasakote
Oct 27, 2026

