Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

BOC-MICP binenta mga nakumpiskang produkto, kumita ngP1.8M

120 Views

KUMITA ang Bureau of Customs (BOC) – Manila International Container Port (MICP) ng P1.8 milyon sa isinagawang public auction ng mga forfeited goods kamakailan.

Kasama sa mga ibinenta ang mga sandals, inflatable pools, cylindrical hinges, sodium sulfate, fire-protective board kits, isang sasakyan at iba pang produkto.

Ayon sa Auction and Cargo Disposal Division ng MICP kumita ito ng P1,782,500 mula sa auction at P20,200 naman mula sa bidder registration fees o kabuuang P1,802,700.

Ang mga produktong ibinenta ay laman ng 13 container.

Sa ilalim ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at Customs Administrative Order (CAO) 03-2020 kailangang isailalim sa public auction ang pagbebenta ng mga nakumpiskang produkto.

Muling iginiit ni District Collector Rizalino Jose C. Torralba ang commitment ng MICP na mas pagandahin pa ang enforcement at disposal procedure nito.

Nangako ang BOC-MICP na ipagpapatuloy ang misyon nito na tumulong sa pangangalaga ng national security at pangongolekta nito ng buwis at pagtiyak na sumusunod sa regulasyon ng bansa ang mga imported na produktong ipinapasok sa bansa.