Calendar
BOC-NAIA, PDEA, nasamsam ang mga ‘shabu’ pressure cooker
MAHIGPIT na seguridad sa hangganan ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nagresulta sa panibagong pagkakasamsam ng P6.8 milyong shabu na nakatago sa “pressure cooker”.
Habang patuloy ang aban kontra droga ng administrasyong Duterte, nakuha ng BOC-NAIA at PDEA – bilang bahagi ng NAIA Drug Interdiction Task Group (NAIA-DITG) noong Biyernes, Marso 30, 2022, ang shabu na nakatago sa mga pressure cooker.
Ang pakete mula sa Malaysia ay idineklara bilang “isang multi-function pressure cooker” ngunit natagpuang naglalaman ng puting crystalline substance na tumitimbang ng kabuuang 1011 gramo, na kalaunan ay na-verify bilang methamphetamine hydrochloride o “shabu” na may tinatayang halaga na P6,874,800 .
Nangako ang BOC-NAIA na patuloy na mananatiling nangunguna sa laban kontra ilegal na droga bilang bahagi ng direktiba ni BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero. Kasama si Joanne Rosario, OJT.