Rubio

BOC sobra sa target nakolekta, nakapagbigay ng  dagdag pondo para sa proyekto ng gobyerno

215 Views
NALAGPASAN ng Bureau of Customs (BOC) ang target na makolekta nito sa unang quarter ng 2023.

Umabot sa P213.619 bilyon ang nakolekta ng ahensya mula Enero hanggang Marso lagpas ng P16.6 bilyon o 8.43 porsyento sa target nitong P197.020 bilyon.

Sa buwan ng Marso pa lamang ay nakakolekta ang BOC ng P80.133 bilyon lagpas ng 10.86 porsyento sa target nitong P72.282 bilyon.

Iniugnay ni Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio ang magandang performance ng kanyang ahensya sa 5-point priority programs ng BOC na nakasentro sa digitalization ng mga proseso ng Customs, pagpapasimple ng mga proseso, pagsugpo sa smuggling, at pagbibigay halaga sa kapakanan at pag-unlad ng mga empleyado.

“Our positive collection performance for the first quarter of 2023 is a testament to the hard work and dedication of our men and women at the Bureau. We will continue to implement our priority programs and introduce new initiatives to sustain this positive momentum,” sabi ni Rubio.

Ang nakolekta ng BOC sa unang quarter ngayong taon ay mas malaki ng 13.29 porsyento kumpara sa nakolekta sa kaparehong panahon noong 2022 na umabot sa P188.557 bilyon.

“We will continue to work hard and strive for excellence as we aim to become one of the world’s best Customs administrations,” sabi pa ni Rubio.

Nagpasalamat rin si Rubio sa mga empleyado ng ahensya sa kanilang dedikasyon at pagsusumikap na gampanan ang kani-kanilang tungkulin.

Ang magandang performance ng BOC ay indikasyon umano na nagbubunga na ang determinasyon ng gobyerno na mabilis na mapalago ang ekonomiya at mapaunlad ang bansa