Holduper

3 holdaper na nakuhanan ng video sumuko

216 Views

SUMUKO ang tatlong lalaki na nakuhanan ng video ng isang vlogger habang tumatakas matapos umanong mangholdap ng dalawang naglalakad sa Quezon City.

Kinilala ang mga suspek na sina Patrick Alwin Santos, 23; Blasel Ben Vacaro, 22; at Jhonric Baran, 24, mga residente ng Caloocan City.

Hinoldap umano ng mga suspek sina Sara Mae Abendan at Rhooell Menor habang naglalakad sa Neopolitan Belfast Avenue, malapit sa SM Fairview, Brgy. Pasong Putik Proper, Novaliches, Quezon City alas-8 ng gabi noong Abril 1.

Sakay umano ang mga suspek ng isang motorsiklo at armado ng mga patalim.

Nagkataon naman na mayroong vlogger na napadaan sa lugar at nakuhanan nito ng video ang pangyayari.

Ipinost ng vlogger ang video sa Facebook at nag-viral ito.

Sumuko umano ang mga suspek ala-1:30 ng hapon noong Abril 2 sa Camarin Police Sub-Station 10, Caloocan City Police Station.