Hamilton

Bokal sa Batangas laging bukas pinto ng opisina sa publiko

51 Views

Batangas1

PINATUTUNAYAN ni Batangas 5th district Board Member Hamilton Blanco na handa siyang makinig at umalalay sa mga kababayan araw-araw.

Tinatanggap sa kanyang opisina ang sinumang dumudulog na mga residente para pakinggan ang kanilang mga hinaing, problema at mga concern mula sa iba’t-ibang barangay.

Hindi dapat pinapatagal ang mga usaping nangangailangan ng agarang aksyon at karampatang tulong.

“Patuloy lang tayong makikinig at tutulong sa abot ng ating makakaya,” giit ni Blanco.

Ayon sa kanya, mahalagang direktang napag-uusapan ang mga problema ng mamamayan upang makahanap ng solusyon at susunod na hakbang para sa kapakanan ng lahat.