BBM

Bongbong Marcos nanumpa bilang ika-17 Pangulo ng bansa

213 Views

NANUMPA na sa tungkulin si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang ika-17 Pangulo ng bansa.

Alas-12 ng tanghali ng manumpa si Marcos sa National Museum of Fine Arts sa Maynila. Pinangasiwaan ito ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo ang panunumpa.

Pasado alas-10 ng umaga ng dumating si Marcos sa Malacañang at nakipagkita sa papalitan nito na si Rodrigo Roa Duterte.

Si Marcos ang huling guest ni Duterte sa Malacañang at lumagda sa guest book.

Isang departure honor ang isinagawa bilang simbolo ng pagbaba sa puwesto ni Duterte na isa na ngayong pribadong citizen.

Hindi na sumama si Duterte kay Marcos sa National Museum. Batay sa tradisyon umaalis ang pababang Pangulo bago magsimula ang inagurasyon ng susunod na Pangulo ng bansa.

Ang showbiz personality na si Toni Gonzaga ang umawit ng Lupang Hinirang na sinundan ng interfaith prayer.

Nagsagawa rin ng civil-military parade kung saan ipinakita ang mga war asset ng Armed Forces of the Philippines, at Philippine National Police.

Kapansin-pansin naman ang pagbibigay pugay ni Marcos sa parada ng mga frontlline workers.

Bukod sa mga kasalukuyan at dating opisyal ng Pilipinas, dumalo sa inagurasyon ang mga opisyal mula sa iba’t ibang bansa.