Patay Patay agad ang barangay tanod na ito sa pamamaril matapos makipag inuman sa Tondo, Manila.

Brgy. tanod utas sa pamamaril

Jon-jon Reyes Dec 6, 2024
54 Views

DEAD-on-the-spot ang 62-anyos na barangay tanod nang pagbabarilin ng kanyang kainuman na tumakas sa panulukan ng Kagitingan at Pitimini Sts., Brgy. 34, Tondo, Manila.

Tinutugis ng mga pulis ng Manila Police District-Moriones Police Station 2 ang nakatakas na suspek na nakilalang si Renz Gutierrez, 34, na siyang bumaril at nakapatay sa biktimang si Jonathan, 62, alyas Diablo.

Base sa ulat, bandang alas-4:00 ng umaga nang pagbabarilin ang biktima sa naturang lugar.

Tadtad ng tama ng bala sa iba’t-ibang parte ng katawan ang biktima mula sa hindi pa batid na uri ng baril. Naimbitahan sa inuman ang biktima nang yayain ng suspek na pumunta sa loob ng bahay.

Pero hindi pa nakakainom ang barangay tanod nang pagbabarilin ito at saka nagpulasan ang mga kainuman pati ang salarin.