Calendar
Bro. Eddie hinikayat ang mga lider ng bansa at mamamayan na muling pagnilayan ang salita ni Lord
πππ‘ππππππ¬ππ§ ni Citizen’s Battle Against Corruption (CIBAC) Party List Representative Eduardo “Bro. Eddie” C. Villanueva ang mga lider ng ating bansa kasama na ang mamamayang Pilipino na muling pag-aralan at pagnilayan ang salita ng Diyos sa Bibliya sa gitna ng pamamayagpag ng kamunduhan at iba pang uri ng kasalanan sa kasalukuyamg panahon.
Sa kaniyang privilege speech sa Plenaryo ng Kamara de Representantes, pinaalalahanan ni Bro. Eddie ang mamamayan na ang Bibliya ang nagsisilbing patnubay para sa pagsasaliksik ng katotohanan at pagbabalik loob sa Panginoon na tinawag nitong “moral at spiritual compass” para sa buong sangkatauhan.
Dahil dito, pinayuhan ni Bro. Eddie ang mga lider ng bansa at mamamayang Pilipino na muling balikan ang mga aral sa Bibliya patungkol sa katotohanan at transparency, kabilang na rin dito ang babala kaugnay naman sa labis na kasakiman sa salapi sa harap ng pagsambulat ng kontrobersiya sa multi-bilyon pisong flood control scandal.
Binigyang diin pa ng kongresista sa kaniyang talumpati, religious leader ng Jesus Is Lord (JIL), ang paalala na kinakailangan panindigan ang katotohanan (truth) at accountability na inilarawan nito bilang mahalagang sangkap sa national freedom ng bansa.
“Mr. Speaker, kung patuloy po nating itatago ang katotohanan, nailalagay po natin ang buong bansa sa patuloy na sumpa. Kung saan walang kaayusan at walang kasaganaan,” winika ni Villanueva sa kaniyang talumpati.
Nilinaw din ni Villanueva na ang kaniyang talumpati ay walang bahid politika o isang “political speech”. Bagkos, ito aniya ay isang simpleng mensahe at paalala lamang mula sa Salita ng Diyos sa Bibliya kasabay sa pagdiriwang ng National Bible Week.
“This is not a political speech. I do not mean any political color or whatsoever. This is just plain Word of God from the Bible. Ito po ang simpleng mensahe ng Diyos ngayong National Bible Week,” pahayag pa ni Bro. Eddie.
Alinsunod naman sa itinatakda ng Republic Act No. 11163. Ang National Bible Week ay ginugunita taon-taon upang kilalanin ang mahalagang papel ng ginagampanan ng Bibliya para hubugin ang pananampalataya, values at moral life ng mga Pilipino.

