Taal Volcano Source: Phivolcs

Bulkang Taal sumasabog, nasa ilallim ng Alert Level 1

74 Views

SUMASABOG ang Bulkang Taal sa Batangas habang isinusulat ito, at nagbubuga ng napakaraming usok, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Miyerkules.

Ayon sa Phivolcs, nananatili pa ring nasa ilalim ng Alert Level 1, na nagpapahiwatig ng abnormal na estado na may mababang antas ng kaguluhan sa bulkan.

Bago ang pagsabog, limang phreatic eruptions ang naiulat sa Bulkang Taal sa Batangas, at anim na volcanic tremors ang naitala rin na tumagal ng dalawa hanggang 10 minuto.

Nagbuga ang bulkan ng 1,354 tonelada ng sulfur dioxide gas noong Lunes, at nadiskubre din ang “upwelling” ng mainit na volcanic fluid sa Main Crater Lake, nito.

Na-monitor din mula sa bulkan ang katamtamang pagbuga ng mga plume na umaabot sa 2,100 metro ang taas at tinangay sa hilagang-silangan.

Naobserbahan din ang pangmatagalang deflation ng Taal Caldera gayundin ang panandaliang inflation ng pangkalahatang hilagang at timog-silangan na bahagi ng Taal Volcano Island.

Sinabi ng Phivolcs, ang mga posibleng panganib sa ilalim ng Alert Level 1 ay kinabibilangan ng biglaang mga pagsabog o phreatic, volcanic earthquakes, ashfall at nakamamatay na akumulasyon o pagpapaalis ng volcanic gas.

Ang mga panganib na ito ay maaaring magbanta sa mga lugar sa loob ng isla ng bulkan, sabi ng Phiolcs.

Ipinagbawal ng ahensya ang pagpasok sa Taal Volcano Island, permanent danger zone (PDZ), lalo na sa paligid ng Main Crater at Daang Kastila fissure.