Calendar
Bus sumalpok sa traysikel; 1 nakitil bukay, 4 sugatan
SAN PASCUAL, Batangas–Isa ang patay at apat ang malubhang nasugatan sa pang-aararo ng rumaragasang truck bus sa nakahintong traysikel noong Sabado sa Brgy. Palsahingi ng bayang ito.
Kinilala ang nasawi na si alyas Epy, 54, at sugatan naman sa San Pascual de Baylon Hospital at San Antonio Life Care Hospital ang drayber ng traysikel na si alyas Renato, 49; at mga pasaherong sina Siony, 64; Jester, 24; at Jared, 20.
Sa ulat ng San Pascual police, naganap ang trahedya bandang alas-12:20 ng tanghali habang nakatigil ang traysikel at nagsasakay ng mga pasahero.
Bigla itong sinalpok sa likuran ng truck bus (DBI 6256) na minamaneho ni alyas Paul, 52.
Inihahanda na ng mga awtoridad ang mga kaukulang dokumento para sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa drayber ng truck bus.

