Panalangin

PATULOY ANG PANALANGIN AT SUPORTA NG MGA LEYTEÑO PARA KAY REP. MARTIN ROMUALDEZ

Mar Rodriguez Sep 28, 2026
219 Views

PATULOY ang panalangin, pagkakaisa at suporta ng mga Leyteño para sa kaniya ni dating House Speaker at kasalukuyang Leyte Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez,

Isang banal na misa ang idinaos sa St. Michael the Archangel Parish sa Tolosa, Leyte na dinaluhan ng libo-libong supporters, kaibigan at mga residente bilang pagpapahayag ng kanilang panalangin at pakikiisa kay Romualdez.

Ang mahalagang pagtitipon ay pinangunahan ng local government unit (LGU) ng Tolosa na nagsilbing pagkakataon para sa mga dumalo na sama-samang manalangin at maghatid ng mensahe ng pagkakaisa at suporta para sa kanilang kongresista.

Ito na ang ikalawang misa na inorganisa para kay Romualdez na nagpapakita ng patuloy na pananalangin ng kanyang mga tagasuporta sa Leyte.

Sa pagtitipon, nangingibabaw ang mensahe ng panalangin, pagkakaisa at pag-asa mula sa mga dumalo.

Ang mga taga-Leyte ay nagkakaisa sa pag-asa na mananaig ang katotohanan at katarungan.

Ikinalulungkot at ikinadidismaya ng nakakaraming Leyteño ang umano’y panggigipit kay Romualdez sa kabila ng mga pahayag na wala itong kinalaman sa mga ibinibintang sa kanya.

Naninindigan ang mga Leyteño na lalabas ang katotohanan at mapapawalang sala si Romualdez.