Calendar
CAAP licensure exams tagumpay
TAGUMPAY ang licensure exams ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), sa pamamagitan ng Airmen Examination Board (AEB), Private Pilot License (PPL), Commercial Pilot License (CPL) at Aircraft Maintenance Technician (AMT) mula Hunyo 15 hanggang 19, 2026 sa Regional Office Area Center III-Clark.
Umabot sa 180 na mga examinee ang lumahok sa limang araw na pagsusulit.
Ang mga licensure examination ay bahagi ng mandato ng CAAP upang matiyak na ang mga piloto at aircraft maintenance personnel ay may sapat na kaalaman sa operasyon ng aviation.
“Ang paglinang ng isang matatag at may kakayahang aviation workforce ay mahalaga upang matiyak ang patuloy na kaligtasan, kahusayan, at paglago ng industriya ng aviation sa Pilipinas,” ani CAAP Director General Raul Del Rosario.
Nakatuon ang CAAP sa pagpapanatili ng pinakamataas na pamantayan sa aviation licensing at sa patuloy na paghubog ng mga kompetenteng propesyonal sa larangan ng aviation.

