Yamsuan

P2K na PERA gusto itaas sa P5K ni Rep. Yamsuan

80 Views

GUSTO ni Parañaque 2nd District Rep. Brian Yamsuan na itaas ang Personnel Economic Relief Allowance (PERA) ng mga government workers mula P2,000 sa P5,000 kada buwan.

Ayon kay Yamsuan, 17 taon na ang P2,000 na tinatanggap ng mga guro kahit na tumaas na ang inflation, global supply disruptions at prices ng basic commodities.

“Ilan sa mga matinding naapektuhan nang tumataas na presyo ng bilihin, ng kuryente, pamasahe at iba pang pang-araw-araw na gastusin ay ang ating mga public school teachers, public health workers, clerks at ’yung mga maintenance personnel na mababa ang sahod. Patuloy na lumiliit ang value ng kanilang kita dahil sa inflation,” ayon kay Yamsuan.

Sa sandaling maipasa ang House Bill 9475, tataas na sa P5,000 kada buwan ang matatanggap ng mga guro.

Sa ilalim ng panukala, matatanggap ang PERA ng lahat ng civilian personnel ng national o local governments, appointive man o elective.

Sinimulan ang PERA sa Budget Circular No. 4, series of 1991, sa halagang P500 kada buwan.