Cabanatuan

Cabanatuan job fair 46 nakakuha ng trabaho

Steve A. Gosuico May 3, 2025
40 Views

CABANATUAN CITY–APATNAPU’T-anim na job hunters ang na hire on-the-spot sa job fair na inilunsad sa syudad na ito noong Labor Day.

Daan-daang aplikante na umaasang magkatrabaho ang dumagsa sa SM City Cabanatuan para sa “Araw ng Manggagawa Job Fair: Trabaho para sa Pinoy” bilang pagdiriwang ng Araw ng Paggawa.

Nagbukas ang job fair dakong alas-9:00 ng umaga at dinagsa ng maraming Novo Ecijano na naghahanap ng trabaho.

May kabuuang 34 na kumpanya ang lumahok na nag-aalok ng humigit-kumulang 1,713 na trabaho sa retail, manufacturing, business process outsourcing at mga serbisyo.

Itinatampok din sa job fair ang mga ahensyang nag-aalok ng lokal at overseas na trabaho na nagbibigay ng mas malawak na mga opsyon para sa mga aplikante.

Naging highlight ng event ang on-the-spot hiring sa 46 na aplikante.

Nagpasalamat si Assistant Mall Manager Marvin Mauro Magtoto sa lahat ng lumahok sa job fair.

“Salamat. Ipagpatuloy natin ang ating malasakit, magkasanib na pagsisikap na gawing tulay na pagdugtungin ang talento at pagkakataon upang ikonekta ang mga madamdaming indibidwal sa mga kagalang-galang na employer at upang bigyang kapangyarihan ang mga naghahanap ng trabaho na Novo Ecijano,” sabi ni Magtoto.