Thumbsup

Cadeteng marino pinarusahan dahil sa maling sagot sa group chat, dedo

Gil Aman Jul 10, 2024
158 Views

NAMATAY ang 19-anyos na kadete matapos mahirapang huminga at tuluyang mag-collapse nang ipagawa ang physical exercise sa utos ng kanyang instructor sa Maritime Academy sa Barangay Canlubang, Calamba City, Laguna, hapon ng Lunes.

Kinilala ng Calamba City Police ang nasawing biktima na tubong Concepcion, Tagumpay, Baco, Oriental Mindoro.

Base sa ulat ng pulisya, naganap ang pangyayari noong Lunes alas-5 ng hapon subalit nai-report lamang dakong 3:50 ng madaling araw ng Martes sa Calamba police.

Sinasabing ang insidente ay nangyari sa Cabin 121C sa NYK-TDG Maritime Academy.

Apat na kadete pa ng Maritime Academy ang kasama ng biktima sa loob, gayundin ang sinasabing suspek.

Ayon sa mga saksi at iba pang kadete, nagkaroon sila ng “evening chow” o hapunan, at matapos nito ang bawat isa sa kanila ay nagtungo na sa kanilang cabin para sa personal nilang necessities.

Bago ang pangyayari, ang sinasabing suspek ay nasa kanyang cabin kasama ang apat pa.

Binigyan umano ng instruction ang biktima na mag-report sa kanyang cabin dahil sa umano’y paglabag kasama ang messaging sa group chat ng mga corps ng thumps up.

Doon ay ipinagawa sa biktima ang physical exercise subalit nahirapan na itong huminga. Dahil sa pangyayari, agad itong dinala sa infirmary para sa medical treatment.

Isinailalim rin ang biktima sa cardiopulmonary resuscitation bago dinala sa Global Care Medical Center kung saan idineklarang dead on arrival ng doktor.

Samantala, ang sinasabing suspek na si alyas Nathaniel ay inaresto na at kasalukuyang nasa himpilan ng pulisya para sa imbestigasyon.

Apat na kadete ang nagsilbing saksi.