Seeds

Calapan farmers nabiyayaan ng 200 bags ng seeds

17 Views

UMABOT sa 200 bags na inbred seeds ang naipamahagi sa mga magsasakang taga-Calapan City sa pamumuno ni Mayor Marilou Flores-Morillo at City Agricultural Services Department sa Calapan City Agricultural Demonstration Center sa Brgy. Biga noong Enero 17.

Sa tulong ng Department of Agriculture, tumanggap ang 110 na magsasaka ng lungsod na naapektuhan ang kabuhayan dulot ng pagbaha noong Disyembre 2024.

Naisakatuparan ang aktibidad sa pakikipag-ugnayan sa DA ng Calapan local government sa pamamagitan ng City Agricultural Services Department katuwang si Engr. Jasper B. Adriatico.

Sinusuportahan ng mga kasamahan ng punong-lungsod sa Team TAMA ang event.