MPBL1 Caloocan-Mindoro encounter sa MPBL.

Caloocan nagbalik-eksena

Robert Andaya Jun 3, 2024
138 Views

WIN some, lose some para sa Caloocan.

Matapos ang 62-72 kabiguan sa kamay ng Zamboanga nung May 28, nakabawi ang Caloocan matapos payukuin ang Mindoro Tamaraws, 90-76, sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season sa Bren Z. Guiao Convention Center sa San Fernando, Pampanga.

Nagtulong sina Gabby Espinas, na may 17 points at five rebounds, at Reil Cervantes, na may 11 points at six rebounds para masungkit ang ika-anim na panalo sa walong laro ng Caloocan.

Nagbigay din ng magandang kontribusyon sina Ronnie Matias at Damian Lasco, nay may tig-eight points bawat isa para sa mga Batang Kankaloo.

Ang Tamaraws, na nag laro na wala sina Ken Bono, Andres Desiderio at Art Patrick Aquino, ay bumagsak sa 4-6.

Top player ng Mindoro si Jordan Rios sa kanyang 19 points, eight rebounds at three assists.

Ang dating PBA MVP na si Kenneth Duremdes ang tumatayong MPBL commissioner.

The scores:

Caloocan (90) — Espinas 17, Cervantes 11, Matias 8, Lasco 8, Casin 7, Cabanag 6, Sanga 6, Inigo 5, Tayongtong 5, Calahat 4, Lee Yu 4, Palencia 3, Sumoda 2, Bonsubre 2, Baracael 2.
Mindoro (76) — Rios 19, Vaygan 9, Caspe 8, Teodoro 8, Estrella 7, Reyes 6, Pableo 6, Olivares 5, Lopez 5, Huerto 3, Ariar 0, Aquino 0, Desiderio 0, Bono 0, Pena 0.
Quarterscores: 24-15, 49-31, 74-52, 90-76.