Madrona

Cambodian Tourism Ministry, DOT collab may positibong resulta — House Committee on Tourism

Mar Rodriguez Jun 21, 2023
172 Views

OPTIMISTIKO ang House Committee on Tourism na magbibigay ng positibong resulta ang binabalangkas na “collaboration” sa pagitan ng Department of Tourism (DOT) at ng Cambodian Tourism Minister na si Dr. Thong Khon kaugnay sa “heritage conservation” at monitong.

Nabatid na nagkaroon ng bilateral meeting noong nakaraang linggo sa pagitan nina Tourism Secretary Maria Christina Garcia Frasco at Cambodian Tourism Minister Khon kasabay ng idinaos na United Nations World Tourism Organization (UNWTO) Commission meeting sa Phnom Penh, Cambodia.

Dahil dito, naniniwala si Romblon Lone Dist. Congressman Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona, Chairman ng Tourism Committee sa Kamara, na nagkakaroon ng isang malusog na ugnayan sa pagitan ng dalawang Tourism Secretary (Frasco at Khon) para mas lalo pang mapayabong ang turismo ng dalawang bansa.

Bukod dito, sinabi ni Madrona na malaki ang maggagawa ng ikinakasa at binabalangkas na “collaboration” para magkatulungan ang Pilipinas at Cambodia upang lalo pang mapabuti ang “tourism manpower” ng dalawang bansa sa pamamagitan ng kani-kanilang expertise.

Ipinaliwanag ni Madrona na ang Pilipinas bilang mahusay sa English at nagsisilbing ikalawang lengguwahe ng bansa. Maaaring makatulong umano ang Pilipinas sa Cambodia sa pamamagitan ng pagtuturo ng English Language o English profieciency sa mga mamamayan ng Cambodia.