Calendar
Canteen helper, 20, grinipuhan ng katrabaho sa QC, patay
DEAD on the spot ang 20-anyos na canteen helper matapos ilang ulit na pagsasaksakin ng kaniyang kasamahan sa trabaho nang magkainitan habang nag-iinuman sa Cubao, Quezon City nitong Sabado ng gabi.
Ang biktima ay isang stay-in helper sa isang Eatery na matatagpuan sa Brgy. Kaunlaran, Cubao, Quezon City.
Nakatakas naman ang suspek na isa ring canteen helper, ng nasabing eatery.
Sa report ng Quezon City Police District (QCPD), Cubao Police Station 7, bandang 11:30 ng gabi (December 21), nang maganap ang insidente sa Brgy. Kaunlaran, Cubao.
Batay sa imbestigasyon ni Pat Haumar Dave R Vale, nag-iinuman ang biktima at ang suspek kasama ang kanilang amo nang magkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawa.
Sa gitna ng pagtatalo kumuha ng kutsilyo ang suspek at ilang beses na sinaksak ang biktima na agaran nitong ikinasawi.
Nagpapatuloy ang hot pursuit operation ng mga awtoridad laban sa suspek.